2 sundalo patay, 4 sugatan sa pagsabog sa Agusan del Sur

Richmond Hinayon, ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2018 04:45 PM | Updated as of Jul 21 2018 05:19 PM

BAYUGAN CITY, Agusan Del Sur—Patay ang 2 sundalo habang sugatan ang 4 na iba pa matapos sumabog ang isang landmine sa lungsod na ito Biyernes.

Kinilala ang mga namatay na sundalo na sina Lt. Rod Michael Aspiras at Sgt. Ruben Canoy habang ang apat na sugatan ay sina Cpl. Rhuel Apura, Cpl. Rociller Guirero, PFC Christian Lebu Penus at PFC Jaime Seblian.

Ayon sa ulat ng 402nd Brigade, sumabog ang landmine habang nagsasagawa ng clearing operation ang tropa ng 402nd Brigade sa Sitio Bungkuan, Barangay San Juan kung saan naka-kampo umano ang New People's Army (NPA).

Naipaalam na ng AFP sa mga pamilya ng mga sundalong namatay at nasugatan sa pagsabog.

Kinondena naman ng AFP ang paggamit ng NPA sa landmine sa giyera dahil labag ito sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights at international humanitarian law.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.