2 domestic flights kanselado dahil sa sama ng panahon

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2018 10:39 AM

MAYNILA - Kanselado ang dalawang domestic flights Sabado dahil sa masamang lagay ng panahon dulot ng habagat.

Hindi makababiyahe ang Cebu Pacific flight 5J 504 na mula Maynila papuntang Tuguegarao, gayundin ang Cebu Pacific flight 5J 505 na pabalik naman mula Tuguegarao papuntang Maynila.

Abiso ng airline sa mga pasahero, maaaring magpa-rebook ng flight o magpa-refund ng tickets.

Ayon sa PAGASA, nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Inday pero may namataan namang LPA sa bahagi ng Ilocos Norte na nagpapaigting sa habagat. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.