Higit 20 arestado sa 'one-time, big-time' sa Maynila

Michael Delizo, ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2017 08:16 AM

Arestado ang higit 20 katao sa isinagawang "one-time, big-time" operation na nagsimula Huwebes, alas-10 ng gabi, sa Tondo, Maynila.

Ang operasyon ay isinagawa ng Moriones Police Station upang arestuhin ang mga lumabag sa ordinansa ng lungsod.

Pinauwi din ang mga nakagawa ng minor offense, samantalang diretso sa kulungan ang may mabibigat na kaso.

- Umagang Kay Ganda, ika-21 ng Hulyo 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.