PatrolPH

DepEd Sec. Duterte, nakipagpulong kay Rep. Ralph Recto tungkol sa edukasyon

ABS-CBN News

Posted at Jul 20 2022 09:37 PM

Nagpulong sina Vice President Sara Duterte at Rep. Ralph Recto ngayong Miyerkoles, Hulyo 20, 2022. Larawan mula sa Inday Sara Duterte Facebook page
Nagpulong sina Vice President Sara Duterte at Rep. Ralph Recto ngayong Miyerkoles, Hulyo 20, 2022. Larawan mula sa Inday Sara Duterte Facebook page

Nakipagpulong ngayong Miyerkoles si Vice President at Education Secretary Sara Duterte kay Batangas 6th Dist. Rep. Ralph Recto hinggil sa pagpapaunlad sa kalidad ng edukasyon sa bansa.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Duterte na nangyari ang pagpupulong sa DepEd Central Office at kanilang pinag-usapan "ang mga hakbang para mas mapaunlad at mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa." 

"Maraming salamat po Congressman Ralph sa iyong inisyatiba at malasakit sa ating mga Pilipinong mag-aaral," sabi ni Duterte.

Nakipag-usap din ang bise presidente sa mga kawani ng DepEd.

Ani Duterte, inikot nila ang DepEd Central Office ngayong Miyerkoles ng hapon at nakilala ang mga kawani ng ahensiya.

“Maraming salamat po sa inyong katapatan at taos-pusong pagseserbisyo para matiyak at mapanatili ang kalidad ng edukasyon na inaasam natin para sa mga kabataang Filipino,” sabi pa niya.

— ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.