PatrolPH

Higit 150 tindahan nasunog sa Cotabato City

ABS-CBN News

Posted at Jul 20 2021 12:37 PM

Higit 150 tindahan nasunog sa Cotabato City 1
Nasunog ang isang palengke sa Cotabato City, Hulyo 20, 2021. Larawan mula kay Ronnel John Barbon

Hindi bababa sa 150 tindahan ang naabo sa sunog na sumiklab sa isang palengke sa Cotabato City nitong madaling araw ng Martes.

Ayon sa lokal na Bureau of Fire Protection (BFP), umabot ng halos 2 oras bago tuluyang nagdeklara ng fire out ang mga bombero.

Umakyat sa ikalawang alarma ang sunog.

May ilang bombero at fire volunteer na nagtamo ng mga galos pero wala namang residenteng nasugatan, ayon sa BFP.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.

— Ulat ni Chrislen Bulosan

FROM THE ARCHIVES

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.