PatrolPH

Lalaking nagpapa-refill ng tubig patay sa pamamaril sa Maynila

Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Posted at Jul 20 2021 07:23 AM | Updated as of Jul 20 2021 07:56 AM

MAYNILA—Dead on the spot ang isang 36-anyos na lalaki nang barilin sa Ermita sa lungsod na ito Lunes ng hapon.

Nakunan ng CCTV ng Barangay 667 ang pagtigil sa Arquiza Street ng motorsiklong sakay ng magkaangkas bandang alas-3:30 ng hapon.

Bumaba ang 2 at naghintay na makatiyempo sa biktima na nakatayo sa harap ng water-refilling station malapit sa kanto ng Guerrero Street.

Hinintay ng motorcycle rider na lumagpas ang 3 batang naglalakad bago lapitan ang biktima.

Binaril niya ang biktima nang malapitan sa ulo mula sa likod bago tumakas kasama ang kaangkas. 

Naabutan pa ng matinding pag-ulan ang pagproseso ng pulis sa crime scene at pag-alis sa bangkay.

Ayon sa barangay, nangungupahan ang biktima sa lugar at pumunta noon sa refilling station para kunin ang pinaigib na tubig.

Iniimbestigahan pa ng homicide section ng Manila Police District ang motibo sa pamamaril. 

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.