PatrolPH

Kolektor ng lending company sa CamSur patay sa pamamaril

ABS-CBN News

Posted at Jul 20 2021 12:06 PM

Kolektor ng lending company sa CamSur patay sa pamamaril 1
Sakay ng motorsiklo ang biktima nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang mga salarin.

Patay sa pamamaril ang isang 26 anyos na kolektor ng isang lending corporation sa Camarines Sur, Lunes ng umaga.

Ayon sa report, pinagbabaril ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin ang biktima habang nagmomotorsiklo sa bayan ng Tinambac.

Tinangay din ng mga salarin ang sling bag ng biktima na may laman na P10,000 na cash.

Limang basyo ng kalibre .45 na baril ang narekober ng mga pulis sa pinangyarihan ng krimen.

Patuloy naman na nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad hinggil sa insidente.

- Ulat ni Karren Canon

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.