PatrolPH

Higit P9-M halaga ng marijuana nasabat sa Sulu

ABS-CBN News

Posted at Jul 20 2021 05:54 AM | Updated as of Jul 20 2021 07:31 AM

Aabot sa P9.4 million ang halaga ng mga marijuana na nakumpiska ng mga awtoridad sa bayan ng Luuk, Sulu noong Sabado.

Magsasagawa sana ng operasyon ang militar para arestuhin ang isang nagngangalang Bakil at sirain ang napag-alamang marijuana plantation sa Sitio Tangan-Tangan, Barangay Lingah nang bumungad sa kanila ang isang ektaryang lupain na puno ng tanim na marijuana.

May 2 malalaking kahon pa ng ilegal na droga ang nakita na mistulang ipapadala na sana.

Natagpuan ng mga awtoridad ang bahay ng suspek na si Bakil na malapit sa plantasyon pero wala ito kaya hindi nahuli.

Tatlong rifle din ang nakita sa loob ng kaniyang bahay.

Agad namang sinunog ng mga awtoridad ang mga nakumpiskang dahon ng marijuana. — Ulat ni Chrislen Bulosan

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.