PatrolPH

Higit P1-M halaga ng hinihinalang shabu nasabat sa Angeles City

ABS-CBN News

Posted at Jul 20 2021 07:11 AM

Nasa P1.7 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa isang anti-narcotics operation sa Angeles City, Pampanga, Lunes ng hapon.

Tinatayang 250 gramo ang bigat ng nasabat na kontrabando sa Jaoville Compound, Barangay Pandan.

Limang suspek ang nahuli ng mga awtoridad na naghahanda na ng pagsampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa mga natiklo.

Inaalam kung kunektado ang mga suspek sa iba pang drug syndicate na posibleng nag-o-operate sa Angeles. — Ulat ni Gracie Rutao

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.