PatrolPH

9 anyos, nasagip mula sa pagkalunod sa Samal Island

ABS-CBN News

Posted at Jul 20 2021 02:57 AM

Nasagip mula sa pagkalunod ang isang 9-taong gulang na batang lalaki sa Island Garden City of Samal sa Davao del Norte Linggo ng hapon.

Nagsagawa ng CPR o cardiopulmonary resuscitation si Capt. Serapio Bedico, isang Navy reservist at Harbor pilot habang umaalalay naman si Col. Filomeno Carreon sa bata.

Nagpapahinga lang sana sila sa beach nang may humingi ng saklolo sa kanila na may nalulunod sa dagat.

Makikita sa video na tila wala nang malay ang bata, pero matapos ang pag-CPR ay nagkamalay ito at nakapagsalita.

Dinala agad ito sa pinakamalapit na clinic.

Nagpaalala ang mga awtoridad sa mga magulang na huwag iwanang naliligo sa dagat ang mga bata para maiwasan ang ganitong insidente.

- ulat ni Hernel Tocmo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.