ITCZ magpapaulan sa ilang bahagi ng Luzon, Visayas

ABS-CBN News

Posted at Jul 20 2020 06:57 AM

MANILA — Makakaranas ng mga pag-ulan ang Visayas at ilang rehiyon sa Luzon ngayong Lunes dahil sa intertropical convergence zone (ITCZ) o kaulapang dulot ng pagtatagpo ng hangin mula sa hilaga at timog malapit sa equator, ayon sa state weather bureau PAGASA. 

Maaaring magdulot ng pagbaha at landslide ang kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-kulog na dala ng ITCZ sa Visayas, Calabarzon, Bicol at Mimaropa, sabi ni PAGASA weather forecaster Ariel Rojas. 

Inaasahan naman aniyang sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ang maaliwalas na panahon, pero maaaring magkaroon ng mga thunderstorm na tatagal ng 2 oras sa hapon o gabi. 

Wala naman aniyang inaasahang mamumuong bagyo sa loob ng bansa sa susunod na 2 araw. 

Para sa iba pang ulat-panahon, bisitahin ang ABS-CBN Weather Center

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.