Rollback sa petrolyo nakatakda sa Martes
ABS-CBN News
Posted at Jul 20 2019 06:01 PM
MAYNILA — Matapos ang 5 linggong magkakasunod na oil price hike, may nakaambang rollback sa petrolyo pagsapit ng Martes.
Tinatayang rollback sa petrolyo:
- Gasolina → P0.30-P0.40/litro
- Diesel → P0.20-P0.30/litro
- Kerosene → P0.30-P0.40/litro
Maglalaro sa P0.30 hanggang P0.40 kada litro ang inaasahang bawas sa gasolina at kerosene habang nasa P0.20 hanggang P0.30 kada litro naman ang rollback sa diesel.
Pero bago nito, umabot nang mahigit P3 ang naging pagmahal sa gasolina at P2.40 naman sa diesel at kerosene dahil sa magkakasunod na taas-presyo.
—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, balita, PatrolPh, Tagalog news, TV Patrol, Busina, oil price hike, rollback, langis, petrolyo, gasolina, diesel, kerosene, gaas, pasada, liquefied petroleum gas, LPG