5 naaktuhang gumagamit ng shabu, timbog sa Pasig

Fred Cipres, ABS-CBN News

Posted at Jul 20 2019 11:06 AM

MANILA - Timbog ang 5 lalaki na naaktuhan umano na gumagamit ng shabu nang magsagawa ang awtoridad ng buy-bust operation sa Pasig, Sabado.

Naabutan sa loob ng isang bahay sa Barangay Pinagbuhatan na hinihinalang drug den sina alyas "Junie," 41, alyas "Jonathan," 22, alyas "Mauro," 47, alyas "Rofe," 30 at alyas Ariel, 21.

Nakuha mula sa mga suspek ang 7 sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 10 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P68,000, ayon sa mga awtoridad.

Nagsagawa ng buy-bust sa lugar matapos magsumbong ang ilang residente na talamak ang bentahan ng ilegal na droga doon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.