2 huli sa buy-bust sa labas ng QC mall

ABS-CBN News

Posted at Jul 20 2019 08:10 PM

MAYNILA — Arestado ang 2 tao sa buy-bust operation na ikinasa ng Quezon City Police District (QCPD) sa labas ng isang mall sa naturang lungsod nitong Sabado.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas "Makoy," 21 at alyas "Noy," 20.

Nasa 1.5 kilo ng hinihinalang marijuana na nagkakahalaga ng P180,000 ang nasamsam umano sa 2 suspek.

Ayon kay Police Lt. Col. Benjie Tremor, hepe ng QCPD station 10, ikinasa ang buy-bust nang makatanggap sila ng impormasyon ukol sa pagtutulak ng 2 lalaki.

Nakipagkita ang mga suspek sa poseur buyer sa labas ng mall at agad silang inaresto nang tanggapin ang pera.

Kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang 2 suspek.

— Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.