1 patay sa salpukan ng jeep, trak sa QC

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Jul 20 2019 01:31 PM | Updated as of Jul 20 2019 07:47 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA – Dead on arrival sa ospital ang isang babaeng pasahero ng jeep na nabangga ng isang trak sa kanto ng Timog Avenue at Scout Tobias sa Quezon City, Sabado ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Jocelyn Flores, na papasok sana sa opisina. 

Ayon kay Police Maj. Aldrin Enrico, hepe ng Quezon City Traffic Sector 4, walong pasahero rin ng jeep ang nasugatan sa aksidente.

Sa inisyal na imbestigasyon, binabagtas ng jeep ang Timog Avenue papuntang EDSA nang mabangga ng trak na galing Scout Tobias. 

Sa lakas ng impact, tumagilid ang jeep at naipit ang babaeng nakasakay sa likuran. 

Inaalam pa ang sanhi ng salpukan. 

Iginiit naman ng driver ng jeep at trak na aksidente ang nangyari at hindi mabilis ang kanilang pagpapatakbo. 

Hawak na ng QC Traffic Sector 4 ang dalawang driver na posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and multiple injuries.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.