P2.8M shabu, nasabat mula sa 2 tulak sa Caloocan

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Jul 20 2018 09:14 AM

MANILA - Tinatayang nasa P2 milyon na halaga ng shabu ang nasabat mula sa 2 lalaki na umano'y mga notoryus na tulak ng droga sa Caloocan, Biyernes.

Nahuli ang mga suspek na sina Rolando Arnaiz at David Montalbo sa isang buy-bust operation na isinagawa sa loob ng isang sasakyan sa kanto ng Tullahan at Ignacia road, sabi ni Chief Supt. Guillermo Eleazar, direktor ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Nakuha mula sa mga suspek ang 350 grams ng hinihinalang shabu at 2 baril.

Si Arnaiz ay ang lider ng Valenzuela Arnaiz Criminal Gang na sangkot sa pagbebenta ng droga at pamamaslang sa iba’t ibang parte ng Metro Manila, sabi ni Eleazar.

Itinanggi ni Arnaiz ang paratang pero umamin naman ang kaniyang kasamahan na sa kanila ang mga nakuhang droga.

Nagsasagawa ng folow-up operation ang mga pulis upang mahuli ang iba pang miyembro ng gang ni Arnaiz.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.