Hinihinalang biktima ng rape, natagpuan sa Zamboanga

Jewel Reyes, ABS-CBN News

Posted at Jul 20 2018 11:14 AM

ZAMBOANGA CITY -- Isang babae na hinihinalang biktima ng rape ang natagpuang patay sa isang talahiban dito sa lungsod, Biyernes.

Nagtamo ng mga sugat sa mukha ang at ulo ang biktima na tinatayang 18 anyos.

Pinagaaralan ng mga awtoridad kung ang screwdriver na natagpuan ilang metro mula sa bangkay ang ginamit sa pamamaslang.

Hindi pa nahahanap ng mga pulis ang suspek o mga suspek sa naturang krimen.

Hinahanap din ng mga pulis ang mga pulubi na madalas kasama umano ng biktima upang hingan sila ng salaysay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.