Bangka lumubog sa Occidental Mindoro

ABS-CBN News

Posted at Jul 20 2018 07:16 PM | Updated as of Jul 20 2018 08:35 PM

Lumubog ang isang pampasaherong bangka sa Occidental Mindoro nitong Biyernes. Kuha ng Philippine Coast Guar

MAYNILA (UPDATE) - Isang pampasaherong bangka ang lumubog sa karagatang bahagi ng Occidental Mindoro nitong Biyernes ng hapon.

Nabutas umano ang harapang bahagi ng MV Lucky Benjamin dahil sa malakas na alon sa kasagsagan ng masamang panahon, dahilan para ito ay lumubog.

Ayon sa Philippine Coast Guard, nasagip at ligtas na ang lahat ng 57 pasahero at 10 crew ng bangka.

Mabilis na nasagip ang mga pasahero at crew dahil higit isang kilometro pa lamang ang layo ng bangka sa pantalan.

Ibinalik lahat ng pasahero at crew sa Calatagan Port.

-ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.