2 Japanese, 5 iba pa arestado sa illegal recruitment

Henry Atuelan, ABS-CBN News

Posted at Jul 20 2018 09:31 PM

MAYNILA - Timbog ang 7 inaakusahang illegal recruiter, kabilang ang dalawang Japanese, sa Quezon City nitong Biyernes.

Sinalakay ng mga operatiba ang tanggapan ng Kansai Training Center sa Barangay South Triangle dahil sa reklamong syndicated illegal recruitment, ayon kay Supt. Roque Merdegia, pinuno ng CIDG-Anti Transnational Crime Unit.

Kinilala ang mga suspek na sina Alvin Salvador, Izzur Rosales, Izumihara Masarobu, Shikoku Kiyuto, Sheryl Manago, Michelle Chua Sy, Rona Torres, at Rolaida Arellano na empleyado ng training center.

Karamihan umano sa mga naging biktima ng illegal recruitment ay mula sa Davao, General Santos City, at Leyte.

Ang mga biktima ay hiningan umano ng P30,000 para makapag-training bago magtrabaho sa Japan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.