Truck nahulog sa bangin matapos gumuho ang lupa

ABS-CBN News

Posted at Jul 20 2017 07:36 PM

VINTAR, Ilocos Norte– Isang 10-wheeler truck ang nahulog sa bangin matapos gumuho ang lupa na dinaraanan nito sa Barangay Dipilat, bayan ng Vintar, Ilocos Norte Miyerkoles.

Ayon sa imbestigasyon, nalubog sa basang lupa ang dalawang gulong ng truck at biglang gumuho ang lupa dahil na rin sa madalas na pag-uulan.

"Tumigil dahil nalumlum 'yung gulong at biglang tumagilid hanggang sa mahulog sa bangin na may taas na 40 talampakan," ani SPO4 Noli Alejandro, officer-in-charge ng Vintar, Ilocos Norte Police.

Sugatan at nabali ang kaliwang paa ng driver na si Ronel Galla, 43, na nagpapagaling sa provincial hospital.

Pahirapan naman ang pag-ahon sa truck.

Paalala ng awtoridad, maging maingat lalo na sa panahong ito na madalas na ang pag-uulan. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.