Tricycle drayber, patay sa pamamaril sa Caloocan City

Fred Cipres at Bianca Dava, ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2017 05:15 AM | Updated as of Jul 21 2017 09:54 PM

Patay ang isang tricycle drayber matapos pagbabarilin sa Katarungan Street corner Langit Road, Phase 5, Barangay 176, Bagong Silang, Caloocan City Huwebes ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Jemar Rafols alias "Tata", 32 anyos.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nakapila ang biktima sa terminal ng tricycle at paalis na sana ito matapos may sumakay na pasahero nang lapitan ito ng isang lalaki at pinagbabaril.

Matapos ang pamamaril ay sinundo ng isang motorsiklo ang gunman at mabilis na umalis sa lugar.

Tinamaan din ng bala ang pasahero ng biktima na agad namang dinala sa Tala Hospital.

Itinanggi ng mga kaanak ng biktima na sangkot ito sa iligal na droga.

Patuloy pang inaalam ang motibo sa pamamaril. -DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.