PLDT, inutusang iregular ang halos 9,000 empleyado

ABS-CBN News

Posted at Jul 20 2017 05:40 PM | Updated as of Jul 21 2017 05:17 AM

Inutusan ng Department of Labor and Employment ang PLDT Inc. at mga kontraktor nito na gawing regular sa trabaho ang 8,720 na empleyado ng nasabing telecommunications company.

Pinagbabayad din ang PLDT ng may kabuuang halagang P77.5 milyon para sa overtime pay, 13th month pay, holiday pay, at iba pang insentibo ng 2,500 na empleyado nila. 

May contracting at sub-contracting arrangements ang may 9,000 empleyadong ito, ngunit may direktang kinalaman ang kanilang trabaho sa negosyo ng PLDT, ayon sa DOLE. 

"PLDT and its contractors have been violating labor standards and they failed to refute the findings on the labor-only contracting activities. These employees must be regularized and entitled to security of tenure," ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III. 

Ayon naman sa PLDT, inaaral pa nila ang direktiba na maaari pa umanong iapela. 

Sa nakaraang tatlong taon, bumaba ang kita ng kompanya dahil na rin sa mga ginagawa nilang pagbabago sa kanilang negosyo. 

--Ulat ni Bettina Magsaysay, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.