16 babae, nahuli sa 'Oplan Magdalena' sa Valenzuela

ABS-CBN News

Posted at Jul 20 2017 08:08 AM

Dinala ang 16 na babae sa Valenzuela police headquarters matapos isagawa ang 'Oplan Magdalena". Kasama dito ang dalawang floor manager at isang may-ari ng bar.

Ginalugad ng mga operatiba ang kahabaan ng Paso de Blas, Lingunan, R. Santiago at Lawang Bato sa Valenzuela City.

Hinintuan ng mga operatiba ang mga bar at videoke house at inalam kung ang mga establisyimentong ito ay may kaukulang dokumento.

Sampung bars ang pinasok ng mga operatiba.

Inalam din nila kung ang mga empleyadong babae ay may health card at nasa tamang edad.

Kinuha ang mga impormasyon ng mga nahuli na kababaihan at sila ay isasailalim sa counseling.

Ang mga establisyimento na mapapatunayang walang kaukulang dokumento ay maaaring ipasara.

-Umagang Kay Ganda, ika-20 ng Hulyo 2017.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.