1 patay, 21 huli sa 'one-time, big-time' sa Quiapo

Zandro Ochona, ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2017 05:20 AM | Updated as of Jul 21 2017 09:11 AM

Nagsagawa ang Manila Police District (MPD) ng isang "one-time, big-time" operation bilang paghahanda sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa darating na Lunes, Hulyo 24.

Isinagawa ang operasyon Huwebes ng hapon sa Elizondo Street, Quiapo, Maynila.

Ayon kay MPD Director Joel Coronel, isang lalaki ang napatay na kinilalang si Alnor Silongan. Nakuhanan si Silongan ng .38 kalibre ng baril at buy-bust money.

Kabilang sa mga nahuli ang 21 indibidwal. Ang lima sa mga suspek ay naaktuhan na gumagamit ng ilegal na droga, ayon sa mga pulis.

Aabot naman sa 57 na indibidwal ang inimbitahan sa MPD HQ upang malaman kung ang mga ito ay may standing arrest warrant. -DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.