PatrolPH

Barangay health centers sa QC, ginawa nang COVID vaccination sites

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2022 07:08 PM

MANILA — Ang mga barangay health centers ngayon ang ginagamit ng lokal na pamahalaan ng Quezon City bilang COVID-19 vaccination sites.

Ayon sa namamahala ng vaccination site sa Brgy. Old Balara na si Dr. David Cachola, layon nilang mapababa sa komunidad ang pagbabakuna para mas madaling mapuntahan ng mga residente.

“Ginagawa nang lokal na pamahalaan ng QC ay idulog na sa komunidad ang vaccination. Hinihintay iyang lahat na magpa-booster. Nara-ramp up dahil binababa sa komunidad. Smaller scale, nilalapit na sa mga tao ang bakuna. Kami na ang lumalapit sa mga tao para sila magpabakuna," ani Cachola.

Ang mga bedridden at immunocompromised naman, nilalaanan ng schedule para mabakunahan sila sa mismong bahay nila.

Ayon pa kay Cachola, namo-monitor nila ang pagtaas ng kaso ng COVID-19, kabilang na sa kanilang barangay.

“Dito sa Balara, mataas ang datos. Pero nakokontrol naman. Stable, 'di katulad dati na mataas. May kaso pa rin. Karamihan sa nagpo-positibo ay mild at asymptomatic cases," aniya.

FROM THE ARCHIVES:

Watch more News on iWantTFC

—Ulat ni Zyann Ambrosio

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.