PatrolPH

P3.4-M halaga ng hinihinalang shabu nasabat sa Zamboanga City

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2021 12:00 AM

ZAMBOANGA CITY - Arestado ang isang lalaki sa isang buy-bust operation sa parking lot ng isang mall sa Zamboanga City Linggo ng gabi.

Nakuha ng mga awtoridad ang 10 malalaking pakete ng hinihinalang shabu sa suspek na isang construction worker. Nagkakahalaga ng P3.4 milyon ang nasabat na droga.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), may koneksyon ang suspek sa isang pulis na nakatakas sa nakaraang operasyon.

Kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

-ulat ni Leizel Lacastesantos

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.