Palengke sa Iloilo nasunog; 30 puwesto natupok

Cherry Palma, ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2020 03:38 AM

ILOILO - Nasunog ang isang palengke sa bayan ng Leon, sa lalawigang ito Sabado ng gabi.

Base sa paunang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), nasa 30 puwesto ng Leon Public Market ang natupok.

Ayon kay FO2 John Anthony Triveles, apektado sa sunog ang mga puwesto na nagtitinda ng mga damit at gulay.

Wala naman naiulat na nasaktan sa insidente. Inaalam pa ng mga bombero ang sanhi nito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.