Lalaki patay sa pamamaril sa Lagusnilad sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2020 02:00 PM

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Lagusnilad ng lungsod ng Maynila nitong Sabado. Kuha ng Manila City Public Information Office

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa southbound lane ng Lagusnilad tunnel sa Maynila nitong Sabado, ayon sa pulisya.

Ayon kay Poice Maj. Rosalino Ibay, hepe ng Manila Police District-Special Mayor's Reaction Team, nakita ang bangkay ng biktima 50 metro mula sa minamaneho nitong SUV, na may mga tama rin ng bala at basag ang bintana sa driver's seat.

Kasama ng biktima sa SUV ang 2 babae, na nakaligtas sa insidente.

Nagtatrabaho ang 2 babae bilang sales staff sa isang kompanya, kung saan nakarehistro rin ang SUV.

Nakatakas ang mga suspek gamit ang isa ring SUV na walang plaka.

Hindi pa matukoy ang motibo sa krimen pero kinuha ng mga suspek ang mga personal na gamit ng biktima.

-- Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.