PatrolPH

COVID-19 cases sa bansa umabot sa 67,456

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2020 08:48 PM

Watch more on iWantTFC

Umabot na sa 67,456 ang bilang ng mga nagkasakit ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ito ay matapos makapagtala ngayong Linggo ang Department of Health ng 2,241 bagong kaso.

Sa higit 67,000 kaso, 43,160 ang active cases.

Karamihan sa mga bagong kaso ay galing sa Metro Manila, na may 1,625 bagong kaso. Sunod ay galing sa Laguna na may 115 bagong kaso, Cavite na may 76, Rizal na may 75, at Cebu na may 55.

May 398 na naitalang gumaling sa sakit kaya umakyat sa 22,465 ang total recoveries.

Nasa 1,831 naman ang kabuuang bilang ng mga namatay matapos madagdagan ng 58.

Ayon naman sa Department of Foreign Affairs, sumampa na sa 9,000 ang bilang ng mga Pinoy sa abroad na tinamaan ng COVID-19.

Dalawampu't isa ang naiulat na bagong pasyente.

Nasa 634 naman ang kabuuang bilang ng mga namatay habang 5,321 naman ang gumaling sa sakit.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.