Silliman University, binulabog ng bomb threat

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2019 04:26 PM | Updated as of Jul 19 2019 06:16 PM

MAYNILA- Binulabog nitong Biyernes ng bomb threat ang Silliman University sa Dumaguete City, dahilan para magsuspinde ng klase ang naturang unibersidad. 

Sa advisory sa kanilang Facebook page, sinabi ng Siliman University na nakatanggap umano sila ng abiso mula sa isang Nelson Tan, na nagpakilala umanong miyembro ng New Peoples Army na nagsabing may pagsabog na mangyayari sa loob ng campus. 

"Silliman University (SU) received an advisory from a certain Nelson Tan claiming to be an SU alumnus and at the same time a member of the New People’s Army. He claimed that a possible bombing will occur this afternoon at the University grounds," anila. 

Dahil dito, agad na nakipag-ugnayan ang unibersidad sa Philippine National Police. Agad ding sinuspinde ang klase sa Silliman University nang makatanggap ng naturang ulat. 

Sa ngayon ay pinagbabawalan pa ang mga tao na pumasok sa campus hanggang sa magbigay ng clearance ang mga awtoridad. 

Nanawagan din ang unibersidad na sundan ang kanilang mga patakaran para sa kaligtasan ng publiko.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.