Sasakyan nahulog mula sa gusali sa Pasig City

Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2019 12:58 PM | Updated as of Jul 19 2019 03:25 PM

MAYNILA (UPDATE) - Isang kotse ang nalaglag mula sa isang gusali sa Ortigas sa Pasig City, Biyernes ng umaga.

Nahulog ang kotse mula sa ikalawang palapag ng Malayan Plaza Hotel sa ADB Avenue.

Nasa parking area ang pick-up nang biglang mahulog mula sa gusali.

Sa lakas ng pagkabangga, natanggal nito ang bakal na barandilya ng gusali bago tuluyang lumagpak patagilid sa kalsada, na nawasak sa pagkabagsak nito. 

Sugatan at isinugod sa ospital ang drayber na si Rocky Yabut. 

Hinihinalang mabilis ang patakbo ng sasakyan kaya nawalan ng kontrol ang drayber. 

Nabatak na paalis ang sasakyan habang naitabi na rin ang bakal na barandilya ng gusali. 

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang may-ari ng sasakyan at pamunuan ng gusali.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.