Samu't saring basura inanod sa Manila Bay

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2019 07:41 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA—Nagkalat na naman ang samu't saring basura sa gilid ng Manila Bay dulot ng nagdaang bagyong Falcon.

Ayon sa nagbabantay na tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH), nabawasan na ang mga basurang ito dahil nagsagawa na ng clearing operation ang Maynila nitong Huwebes.

Watch more in iWant or TFC.tv

Nananatili namang sarado sa mga turista ang kahabaan ng Manila Bay dahil sa nagpapatuloy na rehabilitation project ng DPWH.

May nakalagay na bakod na bakal sa kahabaan nito mula sa may US Embassy hanggang sa Manila Yacht Club at pinagbabawalan ang mga tao na pumunta sa breakwater.—Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News