Parlorista timbog sa pagsaboy umano ng asido sa mukha ng 'pinagselosan'

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2019 06:26 PM

Arestado nitong Biyernes ang isang beautician sa Tabaco City, Albay na umano'y nagsaboy ng asido sa mukha ng kaniya umanong "pinagselosan."

Kinilala ang 30 anyos na suspek na si Ramon Culada Jr. o kilala sa kanilang lugar bilang Mona.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nagreklamo ang babaeng biktima matapos umano siya sabuyan ng asido sa mukha ng suspek.

Lumalabas na selos ang motibo sa krimen dahil karelasyon na daw ngayon ng biktima ang dating nobyo ni Culada.

Naaresto ang suspek sa tindahan ng ina nito sa Barangay Quinale.

Dinala na ang suspek sa presinto para harapin ang reklamo.


—Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.