Pagawaan ng pansit sa Davao City, nasunog

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2019 04:26 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Vincent Nabres

DAVAO CITY—Nasunog ang pagawaan ng pansit sa Km. 14, McArthur Highway, Toril, Davao City Huwebes ng gabi.

Ayon sa Toril Fire Station, nagsimula ang sunog pasado alas-8 ng gabi at agad na pinalabas ang mga kawani ng pabrika.

Nawasak ang production area nito habang bahagyang napinsala ang warehouse at packaging area.

Umabot sa higit 1 oras bago naapula ang sunog. Tumanggi nang magbigay ng pahayag ang may-ari ng pabrika.

Inaalam pa ng mga bombero ang dahilan at danyos ng insidente.—Ulat ni Claire Cornelio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.