Dating bagger, timbog sa Davao City buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2019 04:09 AM

DAVAO CITY—Arestado ang isang lalaki sa buy-bust operation sa Barangay Talomo, Davao City Huwebes ng hapon.

Nakuha sa 23 anyos na suspek ang 2 sachet ng hinihinalang shabu.

Ayon kay Police Capt. Victor Maquindang ng Talomo police, napabilang sa drugs watch list ang lalaki.

"Kahit kakaunti lang ang ibinebenta niya, malaking impact na iyon para hihina na ang mga nagpapalusot ng ilegal na droga sa area of responsibility namin," aniya.

Kuwento naman ng suspek, nasangkot siya sa ilegal na gawain para may panggastos sa paghahanap ng bagong trabaho.

Dalawang buwan na siyang walang trabaho nang matapos ang kaniyan kontrata bilang bagger sa isang mall.

"Ayaw ko ng manghingi ng pera sa mga magulang ko," aniya.—Ulat ni Claire Cornelio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.