Bus tumagilid sa gilid ng daan, 18 pasahero sugatan

Annie Perez, ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2019 10:52 AM | Updated as of Jul 19 2019 11:01 AM

Umabot na sa 18 pasahero ang nasugatan sa aksidente nang tumagilid ang isang bus sa bayan ng Oslob sa Cebu.

Tumagilid sa gilid ng daan ang isang pampasaherong bus na ikinasugat ng mga pasahero nito, Biyernes ng umaga sa bayan ng Oslob sa Cebu.

Sa inisyal na ulat, nasa 18 pasahero na umano ang nasugatan sa aksidenteng naganap sa Barangay Gawi.

Napag-alamang nawalan umano ng kontrol sa bus ang driver kaya't tumagilid ito sa gilid ng kalsada.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.