4 patay, 6 sugatan sa aksidente sa Quezon

Dennis Datu, ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2019 09:55 AM | Updated as of Jul 19 2019 08:18 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Patay ang apat na pasahero ng isang van matapos na salpukin sila ng isang pampasaherong bus sa Maharlika Highway, Barangay Mal-ay, sa bayan ng Lopez sa lalawigan ng Quezon, Huwebes ng gabi.

Sa report mula kay Quezon Police Provincial Director, Col. Ramil Montilla, dead on arrival sa Magsaysay Memorial Hospital ang driver ng van na si Paterno Carnate Jr., at mga pasahero na sina Raymundo Acebuche, 56; Maryjoy Claire Acebuche, 48; at Raquel Acebuche, 20-anyos.

Sugatan naman sina Rafael Acebuche, Roselyn Acebuche, Bilito Guliman, Joy Erika Guliman, Maritess Cerujano at Daisy Cerujano.

Lumalabas sa imbestigasyon na patungong Bicol region ang P&O bus na matapos mag-overtake sa motorsiklo ay nabangga ang kasalubong na van na patungong Metro Manila.

Nadamay din ang 2 tricycle na nakaparada lang sa gilid ng highway.

Hawak na ng mga pulisya ang driver ng bus na si Marlon Ricon.

Nabatid na ang mga sakay ng van ay mga taga Laoang, Northern Samar at patungo na sana sa Bataan para doon na manirahan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.