2 bata nakulong sa bahay na nasusunog sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2019 01:17 PM

MAYNILA - Dalawang bata ang isinugod sa ospital matapos na makulong sa nasusunog nilang bahay sa Barangay Doña Imelda sa Quezon City, Biyernes ng umaga.

Ang tirahan ng mga bata ay kabilang sa 30 mga bahay na nasunog sa Kapiligan Street.

Alas-8:40 ng umaga nang ideklarang kontrolado na ang sunog na umabot sa ikatlong alarma.

Nahirapan ang mga bumberong makapasok sa lugar dahil masikip ang papasok sa eskinita.

Inaalam pa ng awtoridad ang pinagmulan ng apoy.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.