1 patay, 8 sugatan sa karambola sa Lucena City

Dennis Datu, ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2019 12:51 PM

Isa ang nasawi habang walo ang sugatan sa karambola sa Lucena City sa lalawigan ng Quezon, Biyernes ng umaga.

Sangkot sa karambola ang isang pampasaherong bus, elf truck, commuter van at pick-up sa Diversion Road sa Barangay Ibabang Dupay bago mag alas-8 ng umaga.

Sa imbestigasyon, nag-overtake ang JAC Liner Bus na biyaheng Pagbilao kaya nabangga nito ang kasalubong na elf truck at nadamay ang dalawa pang sasakyan.

Namatay sa aksidente ang driver ng elf truck at sugatan ang mga pahinante nito. Sugatan din ang pitong sakay ng commuter van.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.