Lalaki binaril ng riding-in-tandem sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2018 04:55 AM

MAYNILA—Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay 149, Bagong Barrio, Caloocan City Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ng mga pulis ang biktima na si Alex Teng na nagtamo ng 8 tama ng bala ng baril.

Base sa kuha ng CCTV, nakita ang mga hindi pa kilalang salarin na nakahinto sa lugar.

Dumating si Teng sakay ng motorsiklo. May inabot ito sa angkas pero bigla na lang siyang pinagbabaril nito.

Tinangay pa ang motorsiklo ng biktima at agad umalis ang mga salarin.

Ayon kay Senior Supt. Restituto Arcanghel, hepe ng Caloocan City police, posibleng kakilala ng biktima ang bumaril sa kaniya.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa insidente. - ulat nina Dennis Datu at Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.