Karambola ng 11 sasakyan sa NLEX: 1 patay, 22 sugatan

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2018 02:10 PM | Updated as of Jul 19 2018 09:35 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Isa ang patay habang 22 ang sugatan sa karambola ng 11 sasakyan sa southbound lane ng North Luzon Expressway (NLEX) nitong Huwebes ng tanghali. 

Batay sa paunang imbestigasyon, nawalan ng preno ang isang 10-wheeler truck na minamaneho ng isang Agrifino Pinol kaya nabangga nito ang 10 iba pang sasakyan sa may bahagi ng Torres Bugallon Bridge sa Gen. T. De Leon, Valenzuela City. 

Kanya-kanyang hingi ng tulong ang mga motoristang nasangkot sa insidente.

Isa sa mga sangkot ay idineklarang dead on arrival sa ospital, ayon sa Valenzuela police.

Dalawang lane ang sinakop ng aksidente, dahilan para bumigat ang daloy ng trapiko sa expressway.

-- Ulat nina Robert Mano at Jasmin Romero, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.