Dating miyembro ng NPA patay sa pamamaril

Fay Virrey, ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2018 07:47 PM

Hindi pa tukoy ng awtoridad kung sino ang nasa likod ng pamamaril sa isang dating miyembro ng New People's Army sa bayan ng San Narciso sa Quezon. Larawan mula sa Quezon Police 


SAN NARCISO, Quezon – Patay matapos pagbabarilin ang 35-anyos na lalaki sa Barangay San Juan sa bayang ito, Huwebes ng umaga.

Ayon sa pulisya, tatlong lalaki ang bumaril kay Marvin Flores sa iba’t ibang bahagi ng katawan na nagresulta sa kaniyang pagkamatay.

Lumalabas naman sa imbestigasyon na sumukong kasapi ng New People’s Army si Flores at naging bahagi ng Citizen Armed Force Geographical Unit o CAFGU pero nag-resign din.

Patuloy naman ang follow-up operation ng pulisya para mahuli ang mga salarin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.