Daloy ng trapiko sa EDSA nagsikip dahil sa 2 aksidente

Fred Cipres, ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2018 11:10 PM

MAYNILA—Bumigat ang daloy ng trapiko sa southbound lane ng EDSA Huwebes ng gabi dahil sa dalawang aksidente.

Sa EDSA Santolan, isang bus at isang sasakyan ang nagbanggaan, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Isang lane ang sakop umano ng aksidente, dahilan para lalong sumikip ang kalsada.

Sa may Boni naman, dalawang bus ang nagbanggaan at sumakop sa isang lane.

Isang lane din ang sakop ng pipe laying na ginagawa ng Maynilad sa EDSA service road sa bahagi ng Shaw Boulevard.

Dagdag pa ng MMDA, nagpapabagal din sa daloy ng trapiko ang mga nararanasang pag-ulan sa Metro Manila.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.