Babae, binaril ng riding-in-tandem sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2018 03:04 AM

MAYNILA—Patay ang isang babae matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay 152, Bagong Barrio, Caloocan City Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ng mga pulis ang biktima na si Jennifer Taburada, 27-anyos, residente ng Barangay 154, Caloocan City.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, may pinuntahan lang ang biktima sa lugar bago ang insidente.

Habang naglalakad, dumaan ang mga salarin sakay ng motorsiklo at pinagbabaril si Taburada.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis sa pamamaslang. - ulat ni Ron Lopez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.