8 sugatan sa pagtagilid ng jeep sa Pasig

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2018 05:59 AM | Updated as of Jul 04 2019 03:52 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA—Sugatan ang 8 katao matapos tumagilid ang sinasakyang pampasaherong jeep matapos mabangga ng closed van sa Pasig City.

Kuwento ng mga pasahero, paliko na sila sa Meralco Ave. galing ng Shaw Boulevard.

Nakahinto sila at nag-aantay lang na mag-green ang traffic light nang biglang sumigaw ang jeepney driver na mababanga sila. 

Laking gulat na lang nila na ilang beses sila umano gumulong-gulong sa loob ng jeep matapos mabangga ng van ng isang delivery company.

Pero para sa pahinante ng van, naka-green ang ilaw nila kaya dumiretso sila at ang jeep umano ang nagpatuloy na lumiko kaya nabangga ito.

Aminado ang pahinante na mabilis ang takbo nila dahil magde-deliver pa sila ng kargo sa airport pero wala aniya silang kasalanan. - Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.