400 Pinoy nurse, kailangan sa Germany

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2018 10:58 PM | Updated as of Jul 24 2019 12:40 PM

Nangangailangan ang bansang Germany ng 400 Pinoy nurse, ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Ang pagkuha ng mga Filipino nurse ay bahagi ng "Triple Win" project, isang government-to-governemnt program sa pagitan ng Germany at POEA.

Nasa €1,900 o halos 118,000 ang sahod kada buwan at maaari pa itong tumaas ng hanggang €2,300 o higit P142,000.

Watch more in iWant or TFC.tv

Ang aplikante ay dapat Pilipino na may permanent residence sa bansa, nursing degree, lisensiya sa pagka-nars, at karanasan sa pagtatrabaho sa ospital, rehabilitation center o care institutions.

Rekisito rin na alam ang wikang German o handang sumailalim sa language training sa Oktubre at Nobyembre.

Sa mga matatanggap, babayaran ng employer ang visa at airfare papuntang Germany.

Sa mga nais mag-aplay, maaaring magparehistro sa website ng POEA o personal na magsumite ng mga rekisito sa tanggapan ng POEA.

Sa Agosto 17 ang deadline ng pagpapasa ng aplikasyon sa POEA Central Office sa Mandaluyong at Cebu, habang Agosto 14 naman sa ibang POEA regional offices.

-- Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.