3 estudyante, tiklo sa droga sa Makati

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2018 04:54 AM

MAYNILA—Timbog ang 3 estudyante at isang delivery boy matapos maaktuhang nagbebenta ng umano'y droga sa Guadalupe Nuevo, Makati City.

Kabilang sa mga nahuli ay 17-anyos na lalaki.

Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa isang concerned citizen ukol sa nagaganap na bentahan ng droga sa Nuestra Señora St.

Agad itong nirespondehan ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 7 at naaktuhan ang mga lalaki.

Narekober sa kanila ang 4 na sachet ng hinihinalang shabu at 4 na sachet ng hinihinalang marijuana.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.