M'lang, Cotabato, nasa state of calamity dahil sa baha

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2017 10:04 AM

Umabot na sa halos P33 milyon ang halaga ng nasirang agricultural products at ari-arian dahil sa baha sa North Cotabato.

Isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng M'lang dahil sa matinding pinsala dulot ng baha.

Bukod sa M'lang, lubog na din ang bayan ng Kabacan kung saan mahigit 300 pamilya ang apektado.

Nakapamahagi na ang local government unit (LGU) ng libreng binhi ng palay upang tulungan ang mga magsasaka.


Umagang Kay Ganda, ika-19 ng Hulyo 2017.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.