Maingay na tambutso ng motorsiklo, ipinagbabawal sa Pampanga

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2017 11:01 AM

Bawal na ang maiingay na tambutso ng motorsiklo sa Sasmuan, Pampanga.

Mahigit 20 na ang nakumpiska ng pulisya mula nang maipatupad ang ordinansang nagbabawal sa maiingay na tambutso.

Wala nang balikan ang mga tambutso kapag kinuha ito ng mga pulis.

Pabor naman ang ilang motorista dito dahil nababawasan anila ang ingay sa kalsada.

Pangako naman ng Sasmuan PNP na wala silang sasantuhin sa pagpapatupad sa ordinansa.

-Umagang Kay Ganda, ika-19 ng Hulyo 2017.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.