Lalaking nagtago nang 10 taon dahil sa kasong rape, arestado

Edward Quinto, ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2017 11:12 AM | Updated as of Jul 19 2017 12:23 PM

PANGASINAN - Naaresto na ang isang lalaking pinaghahanap ng 10 taon ng awtoridad dahil sa kasong rape, Lunes.

Noo'y inireklamo ito ng dating nobya dahil sa panggagahasa umano sa Barangay Magtaking sa Bugallon, Pangasinan.

Taong 2007 pa lumabas ang warrant of arrest laban sa 33-anyos na salarin, at 10 taon na itong nagtatago.

Ayon sa Bugallon PNP, namonitor na nila ang muling pagbalik ng suspek sa lugar.

Tikom naman ang suspek sa pag-aresto.

Nahaharap ito sa kasong rape na walang kaukulang piyansa.

--Umagang Kay Ganda, ika-19 ng Hulyo 2017.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.